Menu
  • Home
  • About
    • Mission/ Vision
    • Parish History
    • Black Nazarene Image
    • Parish Priests
    • Parish Clergy
    • Live Stream
    • FAQ
    • Vicariate of San Jose de Trozo
  • Parish
    • Sacraments
    • Ministries & Organizations
    • BEC
    • Offices & Staff
    • Merciful Brothers of St. Joseph
    • Nazarene Catholic School
    • LBN Foundation
    • Sisters of the Holy Face of Jesus
    • Parish Organizational Chart
  • Devotion
    • Hesus Nazareno
    • The Novena
    • Friday Devotion
    • Nazareno Pilgrimages
    • Hijos del Nazareno
    • Holy Week in Quiapo
    • Traslacion
    • NPJN Novena
    • Other Prayers
    • Misa Para sa Kapistahan
    • Pastoral - Homiletic Primer
  • Articles
    • Dalaw Nazareno
    • Parish News
    • Featured Articles
  • Donate
  • Prayer Request

Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno

St. John the Baptist Parish • Quiapo Church

POONG HESUS NAZARENO – SINODAL NA KALAKBAY NG BARANGAY AT KOMUNIDAD PATUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY

Mar. 17, 2024 02:35 PM

Mga miyembro ng HDN-BUKLURAN at Barangay Affairs sa isang pang-grupong litrato pagkatapos ng idinaos na 12:15 misa ng tanghali sa Barangay 308, Quiapo, Manila. Litrato mula sa Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church 

Bilang paghahanda sa kapistahan, ang Poong Hesus Nazareno ay dumadalaw sa 16 na mga barangay sakop ng distrito ng Quiapo, simula Enero 1 hanggang Enero 6, 2024. Ito ang tinatawag na Nazareno Barangay Visitation, kasama sa pagpaplano ng simbahan para sa Pista ng Nazareno sa  Enero 9, 2024.

Nagsimula ang Barangay Visistation noong taon ng Dakilang Jubileo 2000 sa pamumuno ni Bishop Teodoro Buhain at ng ibang HDN tulad ng Basilica at ng Block Rosary Federation.

Sa ngayon, ito po ay kinalalahukan ng Ministry on Barangay Affair, HDN Bukluran, Bukluran Kababaihan at ang mga HDN-MBBN na taga–Quiapo na nagsimulang makilahok noong 2023 sa gawaing ito.



 

Mga ilang kuhang litrato mula sa Barangay Visitation bilang bahagi ng Nazareno 2024 selebrasyon. Mga litrato mula sa Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church 

Sinisimulan ito sa paghahatid ng imahen tuwing Enero 1, pagkatapos ng 12:15 misa ng tanghali sa Barangay 308, sa pamumuno ni Chairman Bonbon Liangco para sa magdamagang pagtatanod.  Sa bawat araw, simula Enero 2 hanggang ika-6, ay inihahatid sa dalawa (2) hanggang apat (4) na mga barangay ang nadadalaw ng Poong Hesus Nazareno. Tinatanggap ito sa pamamagitan ng Panalangin ng Pagtanggap (iminungkahing idinagdag ng FLM BEC office noong 2023 para sa mataimtim na pagtanggap at partisipasyon ng barangay official sa  Mahal na Señor) at sinusundan ng Panalangin ng Pamamaalam na pamumunuan din ng Barangay Chairman o Barangay official ng nasasakupan at saka ililipat sa sususnod na Barangay. Tinatapos ang maghapon na paglalakbay ng Poong Hesus Nazareno sa Munting Katesismo sa ganap na ika-5 ng hapon at ng Banal na Misa sa ganap na ika-6 ng gabi. Saka ito ililipat sa susunod na Barangay, na may mataimtim na pagtanggap at magdamagang pagtatanod sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at ng Nobena sa Nuestro Padre Hesus Nazareno sa pamumuno ng HDN- Bukluran Kabataan.  Itinapos ang Nazareno Barangay Visitation sa Banal na Misa na ginanap sa tulay ng Z. P. De Guzman St. sa pamumuno ni Rev. Fr. Egay Doroteo, MMSJ at maluwalhating ipurisyon ang Senor, pabalik sa Basilica Menor.

Ang mga kapit-bahayan ng Barangay at ang mga tao sa barangay ay nagagalak sa pagdalaw ng Poong Hesus Nazareno sa kanilang nasasakupan kaya patuloy ang kanilang pakikiisa at pakikilahok sa gawaing ito hanggang ngayun. Nadarama nila kasama nila , kalakbay, at kaakbay ng ating komunidad ang Mahal na Poong Hesus Nazareno.

– Marlon Quintana | FLM-BEC & Carmela Magno | Barangay Affairs 

 

 

 

 

Recent Parish News

  • “PAGOD, PERO SABIK”: FR. JADE’S 25 YEARS OF PRIESTLY MINISTRY
  • EVERY DEVOTEE, A CATECHIST: A CALL TO LEAD OTHERS TO JESUS NAZARENO
  • BE LIKE MARY: SHE HEARD THE CALL AND GAVE HER ALL
  • SAN PEDRO BAUTISTA BUILDING TO RISE AT QUIAPO CHURCH, SERVING CLERGY, LAITY AND DEVOTEES
  • QUIAPO PILGRIMS MINISTRY CALLED TO WITNESS TO TRUTH IN SPIRIT OF ST. JOHN THE BAPTIST
  • QUIAPO CHURCH AUGUST MONTHLY FORMATION HIGHLIGHTS DEVOTION, CONNECTION, AND MISSION
  • QUIAPO CHURCH INTRODUCES ALPHA PROGRAM TO MINISTRY LEADERS AND STAFF
  • ST. SHARBEL MAKHLOUF: A DAY OF PRAYER, HEALING, AND HUMILITY AT QUIAPO CHURCH
  • QUIAPO COMMUNITY HONORS NUESTRA SEÑORA DE LA BUENA HORA ON THE SOLEMNITY OF THE ASSUMPTION
  • JESUS NAZARENO CALLS US TO BE SANGKAY

Quiapo Church

910 Plaza Miranda, Quiapo, Manila 1001
(02) 8733-4945
(02) 8735-8614
roffice_mbbn@yahoo.com
For donations

LBN Foundation

910 Plaza Miranda, Quiapo, Manila 1001
(02) 8733-4945 loc 328
(02) 8522-0393
lbnfoundation@yahoo.com.ph
For donations
Managed by Quiapo Church IT Team © 2017.