Menu
  • Home
  • About
    • Mission/ Vision
    • Parish History
    • Black Nazarene Image
    • Parish Priests
    • Parish Clergy
    • Live Stream
    • FAQ
    • Vicariate of San Jose de Trozo
  • Parish
    • Sacraments
    • Ministries & Organizations
    • BEC
    • Offices & Staff
    • Merciful Brothers of St. Joseph
    • Nazarene Catholic School
    • LBN Foundation
    • Sisters of the Holy Face of Jesus
    • Parish Organizational Chart
  • Devotion
    • Hesus Nazareno
    • The Novena
    • Friday Devotion
    • Nazareno Pilgrimages
    • Hijos del Nazareno
    • Holy Week in Quiapo
    • Traslacion
    • NPJN Novena
    • Other Prayers
    • Misa Para sa Kapistahan
    • Pastoral - Homiletic Primer
  • Articles
    • Dalaw Nazareno
    • Parish News
    • Featured Articles
  • Donate
  • Prayer Request

Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno

St. John the Baptist Parish • Quiapo Church

ISANG BANGUNGOT, PANGARAP, AT PAGKILOS: 1ST KAPIHAN

Apr. 24, 2024 05:04 PM

Group picture during the 1st Kapihan sa Quiapo: Mga Diskurso at Tawag ng Serbisyo: Israel-Palestine at tawag ng Serbisyo discussing on the issue of Israel-Palestine conflict and its implications on Muslim-Christian dynamics in the local community. Photo by Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church

Isang linggo bago ang araw ng mga puso ngayong taon, ang Interfaith Ministry ng Quiapo Church, sa pamumuno ni Bro. Alfrein Quirionez ay nagdaos ng isang kapehan. Nakatuon ang paksa sa digmaang Israel at Palestino at ang implikasyon nito sa ugnayang Islam at Kristiyano sa Quiapo.


(From left to right) Professor Julkipli Wadi, Dean, Islamic Studies of UP Diliman & PLt. Col. John K. Guiagui of Manila Police District delivering their presentation on the issue of Photos by Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church

Binigyang buhay ang talakayan ng mga pinagpipitaganang panauhain na sina Propesor Julkipil Wadi, Dekano ng Islamic Studies sa UP Diliman, at PLt. Col. John K. Guiagui ng Manila Police District, punong abala sa pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Quiapo sa mahabang panahon. Kabilang sa mga panauhin na nagbigay ng kanilang mga pananaw sa usapin sina Dr. Fernando Zialcita ng Ateneo De Manila, Dr. Xiao Chua ng De La Salle University, at mga Pilipinong dating nanirahan sa Israel tulad nila Nanay Minda, (OFW, 20 taon nanilbihan sa Israel) at Bb. Paz Santos-Viola (dating UN worker sa Hilagang Israel).



(First row from left to right) Prof. ‘Xiao’ Chua and Dr. Fernando Zialcita, Ateneo de Manila University professor; (Second row from left to right) ‘Nanay Minda’, OFW from Israel and other ministries and organization of Quiapo Church participating. Photos by Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church

Malalim, malawak, at masigla ang talakayan, kagat sa pang araw-araw na buhay. Sadyang kulang ang oras para magbahagi at makinig sa saloobin ng bawat isa. Sa pagtatapos, nakintal sa aking isip ang isang malaking katanungan ng palatuntunan: “saan ako nakatindig sa usaping ito?” Bilang isang Kristiyano-Katoliko, nakikibahagi ako sa iisang ugat ng pananampalataya sa mga Hudyo at Islam na sumibol sa Gitnang Silangan. Nagdurugo ang puso ko na isipin na ang mga lugar na nilakaran nila Abraham, Moises, mga propeta, lalo at higit ng Poong Hesukristo ay balot ngayon ng gulo, takot, galit, hinagpis, at karahasan. Hindi ko lubos na natatarok ang puno’t dulo ng sigalot na
ito, at hindi ako magpapanggap na dalubhasa sa usaping (geo-politics) ito.

Sa ganang akin, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng Hamas na pag-atake sa mga sibilyan noong Oktubre 2023. Subalit kasabay ng mga gumuguhong tahanan, nadudurog rin ang aking puso sa ginagawang pambobomba ng Israel sa mga mamamayan ng Gaza ngayon. Sa aking tanaw, walang kinalaman ang pananampalataya at relihiyon sa kaguluhang ito. Bilang Pilipino, hindi ako papanig sa kahit na sino sa magkatunggaling panig. Tulad sa isang pamilya, titindig ako sa gitna, at hihimukin ang dalawang kapatid na daanin sa maayos na pag-uusap ang kanilang mga suliranin sa isat-isa.



(First row from left to right) Dir. Shey Sakaluran Muhammad, Manila LGU Muslim Affair and Mr. Cristopher “Bong” Grajo of Emergency Response Integration Center (ERIC); (Second row from left to right) Jalal Jamil, Grand Imam of Manila Golden Mosque and Cultural Center and other guests of the 1st kapihan sa Quaipo event. Photos by Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church

Maaaring isipin na pasipista ang paninindigang ito, o karuwagan pang ituturing ng iba. Subalit, kung tunay na solusyon ang digmaan, bakit hanggang ngayon ay walang kapayaan? Maaring tatahimik nang ilang panahon, subalit isang araw lahat ng naipon na sama ng loob ay sasabog nang may paghihimagsik. At iikot muli ang siklo ng karahasan. Sa digmaan, nawawala ang pagiging tao, nawawala ang pagtitiwala sa kabutihan, nangingbabaw ang lason ng pagdududa, naghahari ang pagkaka-iba at nalulusaw ang katotohanan na tayong lahat ay iisang lipi ng sangkatauhan sa iisang kapitbahayan sa daigdig na ito. Nais kong lagumin ang pagmumuning ito sa tatlong bagay nagbabalik
sa orihinal na paksa ng nasabing talakayan.

ISANG BANGUNGOT: Lumaki ang marami sa atin na may mga maling akala na nagpapa-alab sa apoy ng pagkaka-iba at pagkakahati-hati ng mga tao at pamayanan. Subalit alisin natin ang mga hijab, putong, sarong at iba pang panlabas na kaanyuan ….hindi ba’t ang makikita natin ay isang ina na sadyang nag-aaruga lamang sa kaniyang sanggol? Isang ama na nagsisikap lamang na mabigyang kinabukasan ang kaniyang pamilya? Bawat isa sa atin ay may pangarap ng isang mabuti, maganda at payapang buhay, bakit kailangang ipagkait sa iba? Ginising na tayo ng COVID sa bangungot ng pagkaka-watak-watak. Kailangan at marapat ang paggalang sa kapakanan ng bawat isa upang lahat tayo ay mabuhay.


The awarding of certificates of appreciation led by Rev. Fr. Jesus Madrid Jr., Interfaith Ministry priest-in-charge and Quiapo church parochial vicar with fellow vicar, Rev. Fr. Jonathan Noel Mojica. Photos by Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church

ISANG PANGARAP: Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Nazareno sa Quiapo ay sadyang kakaiba. Hindi lamang sa milyong mga tao na dumarating, kundi sa pagdadamayan. Sa isang taong paghahanda, hindi lamang Kristiyano-Katoliko ang abala at dumadalo, marami rin ang mula sa ibang relihiyon at pananampalataya. Sa Pista ng Nazareno, hindi mo makikita ang paghihiwalay ng estado at ng simbahan. Sa Quiapo walang pagtatangi sa mahirap at mayaman, sa mahina at makapangyarihan. Ayun sa sabi-sabi, kung may hanap kang bagay sa Maynila, sa Quiapo mo matatagpuan. Tunay at wasto ito. Sapagkat sa Quiapo natipon ang ibat-ibang lipi, Pilipino man o dayuhan, Manileño man o probinsyano, baon ang kanilang kasanayan at galing, mga ani at paninda, pinagbuklod ng isang pangarap na umunlad sa isang lipunang malaya at payapa. Ang mga kapatid nating Muslim na nagtitinda sa Quiapo, narito sila dahil umiwas sila sa gulo sa Mindanao. Ang mga kapatid nating Bisaya, Waray, Bikolano, Ilonggo, naghahanap ng kalayaan mula sa kuko ng kahirapan sa kanilang lalawigan. Sana, tulad ng tinuran ni Propesor Wadi, gawin nating modelo ang pamayanan ng Quiapo sa pagtahak sa landas ng nagkakaisang pamumuhay.

Group picture of all guests, speakers and other participants this 1st Kapihan sa Quiapo: Mga Diskurso at Tawag ng Serbisyo. Photo by Social Communications Ministry (SOCCOMM), Quiapo Church

ISANG PAGKILOS: Mangyayari lamang ito, kung ang bawat isa, simula sa talakayan hanggang sa buong pamayanan ng Quiapo ay maninindigan na pangalagaan ang karakter na ito ng sama-samang pamumuhay nang maunlad at payapa. Huwag tayong magpabulag sa pagkaka-iba ng bihis at paraan ng pagsamba sa Dakilang Lumikha, huwag tayong magpalason sa bangungot ng pagkaka-iba. Kumampi tayo hindi sa ating tribung kinabibilangan, kundi manindigan tayo sa ating sangkatauhan. Ang isang bata raw ay pinalalaki ng buong pamayanan. Maari ba nating sabihin sa mga nagtutungo sa Quiapo, bata o matanda, “ganito namin pinangangalagaan ang aming pamayanan; Quiapo ang pangalan”?

– Cristopher ‘Bong’ Grajo | Emergency Response Integration Center (ERIC)

Recent Parish News

  • “PAGOD, PERO SABIK”: FR. JADE’S 25 YEARS OF PRIESTLY MINISTRY
  • EVERY DEVOTEE, A CATECHIST: A CALL TO LEAD OTHERS TO JESUS NAZARENO
  • BE LIKE MARY: SHE HEARD THE CALL AND GAVE HER ALL
  • SAN PEDRO BAUTISTA BUILDING TO RISE AT QUIAPO CHURCH, SERVING CLERGY, LAITY AND DEVOTEES
  • QUIAPO PILGRIMS MINISTRY CALLED TO WITNESS TO TRUTH IN SPIRIT OF ST. JOHN THE BAPTIST
  • QUIAPO CHURCH AUGUST MONTHLY FORMATION HIGHLIGHTS DEVOTION, CONNECTION, AND MISSION
  • QUIAPO CHURCH INTRODUCES ALPHA PROGRAM TO MINISTRY LEADERS AND STAFF
  • ST. SHARBEL MAKHLOUF: A DAY OF PRAYER, HEALING, AND HUMILITY AT QUIAPO CHURCH
  • QUIAPO COMMUNITY HONORS NUESTRA SEÑORA DE LA BUENA HORA ON THE SOLEMNITY OF THE ASSUMPTION
  • JESUS NAZARENO CALLS US TO BE SANGKAY

Quiapo Church

910 Plaza Miranda, Quiapo, Manila 1001
(02) 8733-4945
(02) 8735-8614
roffice_mbbn@yahoo.com
For donations

LBN Foundation

910 Plaza Miranda, Quiapo, Manila 1001
(02) 8733-4945 loc 328
(02) 8522-0393
lbnfoundation@yahoo.com.ph
For donations
Managed by Quiapo Church IT Team © 2017.