
Prayer Every Friday (Before the Mass)
Dearest Jesus Nazareno,
Holy is your name,
We praise and thank you,
You humbled Yourself and obeyed the will of the Father,
You carried the cross and offered Your life for our salvation.
Accept our prayers and sacrifices.
Grant that we who call upon You may imitate You,
Obey with fidelity and love,
Share the Good News,
Repent and renounce sin and evil,
And be a channel of mercy and peace to others,
We entrust everything to You,
We pray for those in need most of Your help,
We offer to You our other intentions (Pause)
May our devotion and pledge bring us closer to You and our neighbor
So that in love and unity, we may build up Your kingdom here on earth as it is in heaven,
our true home, where You reign in glory for ever and ever. Amen.
Prayer of a Devotee
Beloved Jesus Nazareno
You are the fulfillment of God the Father’s promise of salvation.
Although divine,
Out of obedience to the Father and compassion for us sinners
You became human like us.
I humbly present myself to You
Here is Your devotee and follower,
Full of thanksgiving, repentance and trust.
Accept my devotion and pledge,
Sacrifices, prayers and offerings
Which come not only from my lips and body,
But from within my mind, heart and spirit.
May I receive what I am praying for
Which will be good for my welfare and salvation.
I also entreat to You the people I am praying for
That they may receive your help and blessing. (Pause)
True devotion is just like Your life,
Full of mercy and love, obedience and service.
From being a devotee may I become Your disciple
Who witness and proclaim Your truth,
Spread Your honor and goodness,
Serving as a faithful and obedient member of the Church,
So that more and more people may love and follow You.
As your true devotee,
May peace, justice and holiness begin with me
For Yours is the kingdom and glory forever and ever. Amen.
For those who are heavily burdened
Loving Jesus Nazareno,
You are our Divine Hope.
You are Emmanuel, God-with-us, who faithfully journeys with us.
I humbly come to You for I find myself heavily burdened in life.
I approach You to beg You to walk with me as I carry this cross.
You are my strength and rest.
Hold me by the hand and never let me go.
And shed Your light of hope upon me in the face of the darkness that I am in.
That I may share to all Your love and hope
and I may be a sign of Your hope to others as well who are losing hope in life.
This I ask through Your sweet and most holy name. Amen
Prayer for the family
Our Beloved Jesus Nazareno,
together with Mary and Joseph,
The Holy Family to whom you belong is an exemplar for every family.
Gratitude and praise to You for the gift of family and home.
Shower our family with love, understanding and unity.
As a family, may we continue to grow in faith, hope and love in You.
May our family become like the Holy Family,
Spouses imitate the faithful love of Joseph and Mary,
The children follow the obedience and respect of Jesus,
Their care and responsibility for each other be also ours,
So that our bond as a family may be strengthened
And we may become an example for others.
Protect and bless our home like Yours in Nazareth.
We present this petition to You, who reign in every home,
With the Father and the Holy Spirit, and with the prayers of Mary and Joseph. Amen
Prayer for those who Labor and Work
Dearest Jesus Nazareno,
We glorify and worship You for You alone are our Lord and Savior.
We thank You for Your boundless mercy and eternal love.
We ask that You always bless our work and occupation,
So that we may find meaning in everything we do.
Protect our business and livelihood from all harm and deceit
So that we can reach out more to those who are in need.
Bless all workers so that they can support their families with dignity and care.
Uplift our condition and welfare
So that all of our dreams may be fulfilled according to Your will.
We also pray for those who are looking for jobs and security in life.
May we offer the fruits of our labor for the good of our country and for Your greater glory.
Compassionate Father,
we ask these in the name of Jesus Nazareno, our Good Shepherd and Great Provider. Amen.
Prayer for the Children and Youth
Our dearest Jesus Nazareno
You have said, ““Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of heaven belongs to them.”
Just like us, you experienced childhood and youth.
Hear our prayers for children and the youth.
May you guide them always
Protect them from all harm and evil influence
And continue to let them realize Your caring love for them that never fails,
That they may grow in strength, wisdom and grace like You,
That they may learn to follow You wholeheartedly,
That they may love and serve their neighbor unreservedly,
and that they may have enough strength and faith to face the challenges of life.
Offer our humble petition to the Merciful Father.
This is our prayer, to You who care and guide our children and youth,
In unity with the Father and the Holy Spirit. Amen.
Prayer for the Sick
Loving Jesus Nazareno,
We praise and thank You for Your goodness and eternal glory.
We worship you in Spirit and Truth.
We come to you as penitent sinners.
We beg forgiveness of our sins and shortcomings.
Grant Your mercy and healing to those who are sick.
May we recognize our sufferings as a share in Your cross
So that we may continue to believe and love despite the pain.
May we be reminded of Your consoling presence whenever we are lonely and in distress.
You never abandon us.
Grant us good health and strong body.
Strengthen all the sick and those who care for the sick.
So that in our recovery and strength, we can serve you more
And with our healing, we can be a sign of Your mercy and love.
Almighty Father,
we ask these in the name of Jesus Nazareno, our Savior and Divine Healer. Amen.
Prayer to Bestow Forgiveness
Dear Jesus Nazareno
The face of God the Father’s mercy and compassion.
You were sent into the world for our salvation.
Accept my repentance and plea for forgiveness
For it is Your pardon that will strengthen me to forgive others.
At the cross, You forgave those who hurt You.
I pray now for all those difficult to forgive.
Your love and kindness brought healing to the world.
Restore and cure my wounded and angry heart.
I also have done wrong and hurt others
May they forgive me as You have forgiven me.
O Prince of Peace,
May Your pardon and peace reign in our hearts. Amen.
Prayer For the Dead
Merciful Jesus Nazareno,
You are the resurrection and the life.
Through Your passion, death and resurrection,
You conquered sin and death,
You led the faithful departed towards your eternal kingdom.
I lift up to Your mercy those who died who are close to my heart. (Pause)
I also entrust the poor souls in need of prayers
May You show compassion and mercy on them
Forgive them from their sins
And welcome them into Your kingdom where you live and reign forever and ever. Amen
Tagalog
Panalangin Tuwing Biyernes (Bago Magmisa)
Mahal na Poong Jesus Nazareno,
Banal ang iyong pangalan,
Dinadakila at pinasasalamatan Ka namin,
Nagpakababa Ka at sumunod sa kalooban ng Ama,
Pinasan Mo ang krus at nag-alay ng buhay para sa aming kaligtasan.
Tanggapin Mo ang aming dasal at sakripisyo
Itulot Mo na kaming sumasamo ay tumulad sa Iyo,
Sumunod ng buong katapatan at pagmamahal,
Magbahagi ng mabuting balita,
Magsisi at Itakwil ang kasalanan at masama,
At maghatid ng awa at kapayapaan sa aming kapwa.
Ipinagkakatiwala namin sa Iyo ang lahat-lahat sa amin,
Ipinapanalangin namin ang mga nangangailangan ng Iyong tulong,
Ipinapaubaya namin sa Iyo ang aming mga kahilingan. (Pause)
Itong aming pagdedebosyon at panata ay lalo nawang magpalapit sa amin sa Iyo at aming kapwa
Upang nagmamahal at nagkakaisa kaming magtaguyod ng Iyong kaharian
dito sa lupa hanggang sa langit, na aming tunay na tahanan,
kung saan naghahari Ka sa kaluwalhatian magpasawalang hanggan. Amen.
Panalangin ng Isang Deboto
Mahal na Poong Jesus Nazareno,
Kayo po ang katuparan ng pangako ng Diyos Ama para sa aming kaligtasan.
Bagama’t Diyos,
Dahil sa pagsunod sa Ama at pagmamalasakit sa amin
Kayo ay naging tao.
Naririto po ako na Inyong deboto at alagad,
Humaharap at naninikluhod sa Inyo,
Puno ng pasasalamat, pagsisisi at pagtitiwala.
Tanggapin Ninyo ang aking debosyon at panata
sakrispisyo at dasal, balik-handog at alay,
na nanggagaling hindi lamang sa aking bibig at katawan,
kung hindi sa kalooban ng aking puso at diwa.
Makamtan ko nawa ang aking hinihiling
Na makabubuti sa aking buhay at kaligtasan.
Idinudulog ko din po ang mga taong pinagdarasal ko ngayon
Upang sila ay makaranas ng inyong tulong at pagpapala. (Pause)
Ang tunay na debosyon ay katulad ng Inyong buhay,
Puspos ng awa at pag-ibig, pagsunod at paglilingkod.
Mula sa pagiging deboto ako nawa ay maging disipulo,
Na sumasaksi at nagpapahayag ng Inyong katotohanan,
Nagapapalaganap ng Inyong karangalan at kabutihan,
Sumusunod at naglilingkod kasama sa simbahan,
Upang lalo kang mahalin at sundin ng mas marami pang tao.
Bilang Inyong tunay na deboto, magsimula nawa sa akin
Ang kapayapaan, katarungan at kabanalan
Sapagkat nasa Inyo ang kaharian at kapurihan magpakailanman. Amen.
Sa Mga Nabibigatan sa Pagsubok ng Buhay
Mahal na Poong Jesus Nazareno,
Ikaw ang aming Diyos ng Pag-asa.
Ikaw ang Diyos na nagkatawang tao, na aking tapat na kalakbay sa buhay.
Sa sandaling ito, ako ay lumalapit sa Iyo
Sapagkat ako ay nabibigatan sa aking pasanin sa buhay na ito.
Sa Iyo ako lumilingon.
Ako ay samahan Ninyo sa bitbit kong krus na ito sa aking buhay.
Ikaw ang aking lakas at pahinga.
Hawakan Ninyo ako at huwag bitawan ang aking kamay tungo sa Iyong kaginhawaan.
Ako po ay patuloy Ninyong sinagan ng Iyong liwanag ng pag-asa sa kabila ng kadiliman na ito
Upang patuloy kong maipahayag sa lahat lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa,
na Ikaw ang Diyos na nagmamahal sa amin,
na Ikaw ang Diyos na kalakbay namin.
Hiling ko po ito sa Iyong matamis at banal na pangalan. Amen.
Panalangin para sa Pamilya
Mahal na Poong Jesus Nazareno,
Kasama nina Jose at Maria,
Ang Banal na Pamilya na Iyong kinabibilangan ay halimbawa ng bawat pamilyang Kristiyano.
Pinasasalamatan at pinupuri ka namin sa biyaya ng tahanan at mag-anak.
Punuin mo ng pagmamahal, pang-unawa at pagkakaisa ang aming pamilya.
Bilang pamilya kami nawa ay patuloy na lumago sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa Iyo.
Ang aming pamilya ay maging katulad nawa ng Banal na Pamilya,
Ang mga mag-asawa ay gumaya sa tapat na pagmamahalan ni Jose at Maria,
Ang mga anak ay tumulad sa pag-galang at pagsunod ni Jesus,
Ang kanilang malasakit at pagtutulungan sa isa’t isa ay mapasa-amin din,
Upang lalong maging matatag ang aming pagsasama bilang pamilya
At maging halimbawa kami sa aming kapwa.
Pangalagaan at basbasan po Ninyo ang aming tahanan gaya ng sa Inyo sa Nasaret.
Ito ay aming samo at hiling sa Iyo na naghahari sa bawat tahanan, kasama ng Ama at Espiritu Santo, sa panalangin nina Maria at Jose. Amen
Panalangin Para sa mga Nagtatrabaho
Mahal na Poong Jesus Naareno,
Niluluwalhati at sinasamba Ka namin
Dahil Kayo po ang aming Panginoon at Tagapagligtas.
Pinasasalamatan Ka namin sa Iyong walang hanggang awa at pagmamahal.
Hinihiling po namin na basbasan po Ninyo lagi ang aming mga gawain at hanapbuhay.
Upang ang bawat naming pagsusumikap ay magkaroon ng kabuluhan.
Paunlarin po Ninyo ang aming mga negosyo at kabuhayan at ilayo sa masama
Upang sa pamumunga nito ay makatulong kaming higit sa mga nangangailangan.
Basbasan po Ninyo ang bawat manggagawa
upang maitaguyod nila ang kanilang mga pamilya ng may dignidad at pagmamalasakit.
Iangat po ninyo ang antas ng aming hanapbuhay
upang ang bawat naming pangarap ay magkaroon ng kaganapan ayon sa Iyong kalooban.
Ipinagdarasal din naming ang mga naghahanap ng trabaho at kabuhayan.
Maialay nawa namin ang bunga ng aming gawa sa ikabubuti ng bayan at ikadarangal Mo.
Mahabaging Ama,
Ang lahat ng ito’y hinihiling namin sa Iyo sa pamamagitan ni Jesus Nazareno,
Ang aming Mabuting Pastol at Maasahang Panginoon. Amen.
Para sa Mga Musmos at Kabataan
Mahal na Poong Hesus Nazareno
Sinabi mo, “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata,
Sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.”
Katulad namin, ikaw ay naging musmos at dumaan sa kabataan.
Pakinggan Ninyo ang aming panalangin.
Gabayan Ninyo nawa ang mga musmos at kabataan,
Ilayo sa lahat ng kapahamakan at masasamang bisyo
At patuloy Ninyong ipadama sa kanila
Ang inyong mapagkalingang pag ibig na hindi magmamaliw
Upang lumaki at lumago sila sa lakas, karunungan at biyaya katulad Ninyo,
Upang sila ay matutong sumunod sa Inyo ng buong puso,
Magmahal at maglingkod sa kapwa ng walang pag-aalinlangan,
At upang magkaroon sila ng sapat na lakas ng loob at pananampalataya
Sa pagharap nila sa bawat hamon ng buhay
Nawa’y Ibulong mo sa Maawaing Ama ang aming abang pagsamo.
Ito’y aming dalangin, sa Iyo na kumakalinga at gumagabay sa aming mga musmos at kabataan
kaisa ng Ama at Espiritu Santo. Amen
Panalangin para sa mga Maysakit
Mahal na Poong Jesus Naareno,
pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa Iyong kabutihan at kadakilaang walang hanggan. Sinasamba Ka namin sa Espiritu at Katotohanan.
Dumudulog po kami bilang mga makasalanang nagsisisi.
Patawarin po Ninyo kami sa aming mga kasalanan at pagkukulang.
Kahabagan po Ninyo kami at pagalingin ang mga may sakit at karamdaman.
Makita nawa namin ang aming karamdaman bilang pakikibahagi sa Iyong krus
Upang patuloy kaming maniwala at umibig bagamat may pagdurusa.
Madama nawa namin ang Iyong pakikiramay kapag kami ay nahihirapan at nalulumbay.
Hindi po Ninyo kami iniiwan kailanman.
Pagkalooban po Ninyo kami ng magandang kalusugan at malakas na pangangatawan.
Palakasin po Ninyo ang loob ng mga maysakit at mga nag-aalaga ng maysakit.
Upang sa aming pagaling at lakas ay mas higit po namin Kayong mapaglingkuran
at sa aming paghilom ay maging tanda kami ng Inyong awa at pagmamahal.
Makapangyarihang Ama,
ang lahat ng ito’y hinihiling namin sa Iyo sa pamamagitan ni Jesus Nazareno,
aming Tagapagligtas at Dakilang Mangagamot. Amen.
Panalangin Para Magpatawad
Mahal na Poong Jesus Nazareno
Mukha ng awa at habag ng Diyos Ama
Sinugo Kayo sa daigdig para sa aming kaligtasan.
Tanggapin Ninyo ang aking pagsisisi at paghingi ng tawad
Sapagkat ang kapatawaran na Inyong ipagkakaloob
Ang siyang magiging aking lakas para magpatawad ng aking kapwa.
Sa krus pinatawad mo ang mga nanakit sa Iyo
Ipinagdarasal ko ngayon ang mga taong hirap akong patawarin.
Ang Iyong pagmamahal at malasakit ang naghilom sa sanlibutan
Bigyang lunas Ninyo ang aking sugatan at galit na puso.
Ako din ay nakasakit at nakagawa ng mali sa aking kapwa
Patawarin din po sana nila ako gaya ng pagpapatawad Ninyo sa akin.
O Prinsipe ng Kapayapaan
Maghari nawa sa aming mga puso ang inyong kapatawaran at kapayapaan. Amen.
Para sa Mga Yumao
Mahabaging Poong Jesus Nazareno
Ikaw ang buhay na walang hanggan.
Sa Iyong pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay,
Tinalo Mo ang kasalanan at kamatayan.
Inakay Mo ang mga yumao sa piling Mo tungo sa Iyong kaharian.
Itinataas ko ang mga mahal ko sa buhay na yumao na. (Pause)
Ipinagdarasal ko din ang mga kaluluwang walang nakaka-alala.
Silayan nawa sila ng Inyong awa at habag,
Patawarin ang kanilang mga pag-kakasala at pagkukulang
at Inyong salubungin sila sa Inyong kaharian,
Kung saan Ikaw ay nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen